WATCH: PSG ni President Duterte, inambush ng mga NPA

Tinambangan ng hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa Arakan North Cotabato, kaninang alas 6:00 ng umaga, Miyerkules.

Sinasabing patungong Cagayan De Oro sana ang PSG para siguraduhin ang seguridad sa nasabing lugar bago tumungo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat, bago nangyari ang insidente ay nagsagawa ng pekeng checkpoint ang mahigit 30 armadong mga lalaki na pinaniniwalaang NPA na nakadamit militar at ginamit ang pangalan ng "Task Force Davao."

Sa report na ipinarating ni Brig. Gen. Gilbert Gapay, deputy commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command, sinabi nito na wala namang naitalang casualties sa panig ng PSG.

Watch video below:

Sponsored link